SARILING TESTING CENTER SA LAS PIÑAS HINILING SA DOH

HINILING ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas sa Department of Health (DOH) ang pagpapatayo ng kanilang sariling laboratory testing center para sa coronavirus disease (COVID-19)  upang agad na malaman ang resulta ng mga isinailalim sa swab testing ng mga indibiduwal.

Ayon kay City Administrator Rey Balagulan, nais ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na magkaroon ng sariling labo­ratory testing center upang madetermina agad ang resulta ng swabbing test na isasagawa sa mga persons under investigation (PUIs) at persons under monitoring (PUMs) kung magpopositibo ay kaagad na dalhin sa isolation facility.

Kaya’t ani Balagulan, nagpadala na ng liham sa DOH na humihiling sa plano ng lungsod na  pagtatayuan ng laboratory testing center.

Ipinaliwanag pa ni Balagulan, nagiging problema ng bawat lungsod sa Metro Manila ang pagdadala ng sample test sa RITM o kaya ay sa PRC na ang resulta ay malalaman pa sa loob ng 7 hanggang 28 araw. MARIVIC FERNANDEZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *