SEAG: DIONES PAMBATO NG PH SA LONG JUMP

Harry Mark Diones

ISA sa mga homegrown talent na inaasahang magbibigay ng karangalan sa Filipinas sa 2021 Southeast Asian Games ay si Harry Mark Diones, ang tinaguriang “hari ng long at triple jump”.

Kumpiyansa si coach Jojo Posadas na mahahablot ni Diones ang ginto dahil sa angking galing at sa ipinakita ng Bicolano na nagmula sa Camarines Sur sa nakaraang SEA Games at sa foreign-flavored National Open Invitational Athletics kung saan gumawa siya ng Philippine records.

Hinubog at hinasa ni Posadas si Diones at naging top long jumper ito sa SEA Games matapos ang maningning na career sa NCAA kung saan naging three-time MVP ang Bicolano.

Hawak ni Diones ang personal best at Philippine record na 16.70 meters sa triple jump kung saan binura niya ang lumang marka na 16.29 meters.

“Diones is our medal best bet in long jump and triple jump. Kumpiyansa ako na mananalo siya,” sabi ni Posadas tungkol sa tsansa ni Diones sa SEA Games na gagawin sa Vietnam.  CLYDE MARIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *