PANGUNGUNAHAN ng gold medal winners sa 30th Southeast Asian Games ang mahabang listahan ng citations na ipagkakaloob sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night na nakatakda sa susunod na linggo sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Ang Filipino contingent, sa pangunguna nina world champions Carlos Yulo at Nesthy Petecio, kasama si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz, ay humakot ng total record na 149 golds nang i-host ng bansa ang SEAG at bawiin ang overall title ng biennial meet makalipas ang 14 taon.
Sa kanilang kahanga-hangang performance, ang Team Philippines ay gagawaran ng prestihiyosong Athlete of the Year award sa March 6 event na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, the Philippine Basketball Association, Rain or Shine, at AirAsia.
Ang arnis ang nagprodyus ng pinakamaraming golds na napanalunan sa SEA Games na may kabuuang 14, kasunod ang athletics na may 11, at dancesport na may 10.
Bukod sa SEA Games gold winners – 139 sa kabuuan, kabilang ang iba na nagwagi ng isa o dalawang golds – 18 personalities at entities ang pararangalan din ng pinakamatandang media organizations sa bansa para sa kanilang achievements at suporta sa Philippine sports sa nagdaang taon.
Ang listahan ay kinabibilangan nina boxers Eumir Marcial, Josie Gabuco, at Pedro Taduran, undefeated UAAP men’s basketball champion Ateneo at NCAA counterpart Letran, Jones Cup winner Mighty Sports, bowler Merwin Tan, mixed martial arts star Joshua Pacio, fencer Samantha Catantan, grandmaster John Paul Gomez, darts player Lourence Ilagan, at Estafano Rivera ng motorsports.
Kinumpleto ni Congressman Michael ‘Mikee’ Romero, ng Philippine Obstacle Sports Federation, Go for Gold, Standard Insurance, Amelie Hotel, at ng MVP Sports Foundation ang listahan ng PSA citations ngayong taon.
Comments are closed.