SEN. BONG GO NANAWAGAN SA MGA PAARALAN NA MAGKAROON NG FLEXIBLE TUITION PAYMENT SCHEMES

Senador Bong Go

Nananawagan si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa lahat ng mga paaralan, unibersidad at iba pang educational institutions na magkaroon ng flexible payment sa mga tuition  ng mga estudyante lalo na ‘yung mga apektado ng Covid-19 pandemic.

“Maraming nawalan ng trabaho at walang pagkukunan ng pampaaral sa kanilang mga anak. Puwede ba natin luwagan ang payment schemes at bigyan po sila ng palugit sa pagbayad ng tuition?”  ayon kay Go.

“Baka ‘di kakayanin ng mga magulang ang malaking amount.  Importante po hindi sila maantala o mahinto sa kanilang pag-aaral,” giit pa ni Go.

Kamakailan ay nanawagan din si Go sa mga pribado at government banking and financial institutions, katulad ng GSIS, SSS, at PAGIBIG fund, na magkaroon din ng flexible payment terms para sa mga personal at commercial loans, para makabawi ang mga kababayan natin na naapektuhan ng pandemya.

Sa naturang hearing, nanawagan din si Go na siguruhin ang kaligtasan ng mga mag-aaral na ligtas sila kung sakaling magbabalik eskuwela sa darating na Agosto.

Kasabay nito, hiniling din ng senador na pag-aralang mabuti  ang pagpapatupad ng online o distance learning programs sa mga estudyante.

Sa naturang hearing din, inatasan din ni Go si Commission on Higher Education (CHED) Head, Prospero de Vera III, na siguruhin din na mapapadali at maayos ang implementasyon ng mga online o distance learning ng mga college students.

“Hindi naman po pwedeng tumigil ang kanilang pag-aaral, schools must also prepare their facilities and lay down protocols in preparation for the possible scenarios that students, teachers and education personnel will face when classes resume,” dagdag ni Go.

Sa huli, iginiit ni Go sa mga school officials na i-prayoridad ang kaligtasan ng mga estudyante.

“There are fears that students will be dangerously exposed kapag pinapasok na sila habang ginagamit ang kanilang mga eskuwelahan as quarantine facility. Kindly check that also,” dagdag ni Go.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *