SENADO NAGHAHANDA NA SA LOCKDOWN

NAGHAHANDA  na ang Senado sa pagsasailalim ng Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ) simula Agosto 6 hanggang 20.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, tatantyahin pa nila kung uubra ang online sessions nila subalit kung hindi ay maaari nilang suspendihin ang sesyon habang nasa ECQ ang Metro Manila.

Magpapasya sila sa Miyerkoles, Agosto 4 kung ano ang magiging pinal na set-up sa Senado kaugnay sa pagsailalim sa NCR sa ECQ.

Pero ‘yung mga employees namin hindi naman lahat may sasakyan, ‘yung iba nagko-commute. Tapos kahit na i-skeletal namin ‘yon, gan’un pa rin. Medyo masusubo sa alanganin ‘yung mga empleyado namin. E sabi nga ng gobyerno, pinasasara nila ‘yung mga government offices, skeletal lang. So itong mga matitira, mga gumagawa lang ng papeles ng mga kailangan ng Senado, skeletal lang din. Siguro we could…conduct hearings during the two weeks. Well i’m talking on my…ako lang ‘yun. I said by Wednesday, dedesisyunan namin nang buo ‘yung aking rekomendasyon,” pahayag ni Sotto sa panayam ng DWIZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *