SHERYL CRUZ AT SUNSHINE DIZON UMANI NG PAPURI SA KANILANG REUNION SERYE

UMANI na ng pa­puri nang magsimula na sa GMA Afternoon Prime, ang showbiz eye“Magkaagaw” na nagtatampok kina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon at ang new love team nina Jeric Gonzales at Klea Pineda sa kanilang first daring roles.

Sa muling pagsasama nina Sheryl at Sunshine, kumusta naman sila?

“I’m very happy because it’s been a while and maganda ‘yung team up namin ni Sunshine all the time.  I also have to thank GMA for this project dahil iba naman ang character na ginagampanan ko, it’s my first time portraying a role of having an affair with a younger man,” sagot ni Sheryl.

“Reunion project nga namin ito ni Sheryl, kaya very exciting,” pahayag naman ni Sunshine.  “Saka ang maganda, we are also working with our first director, sa “Bakekang”  si Direk Gil (Tejada).  What makes “Magkaagaw” unique is first time mata-tackle dito ‘yung character ni Laura na hindi sinasadyang maging kabit.  She was blind-sided and put in a situation na wala siyang laban, kasi hindi niya alam.  Hindi niya sinasadyang sirain ang isang relationship.”

Based sa full trailer na ipinakita noong mediacon ng GMA Afternoon Prime, malalakas na sampal at pisikalan ang ginawa nila sa isa’t isa dahil magkaaway nga sila.  May asawa si Veron (Sheryl), si Mario (ginampanan ni politician-actor Alfred Vargas), pero pumunta siya sa abroad at iniwan ang asawa niya dahil sa ambisyon niyang sumikat.  Nakilala ni Mario si Laura (Sunshine) at nagkaibigan sila.  Hindi alam ni Laura na may asawa si Mario at nang bumalik si Veron, inaway niya si Laura.

Totoo raw ang sakitan nilang dalawa?  Bukod sa sampalan, may sabunutan pa sila?

“Iyon po ang dapat ninyong tutukan tuwing may confrontation scenes kami,” natatawang kuwento nina Sheryl at Sunshine.  “Binigyan kami ni Direk Gil ng choice kung gusto naming i-fake ang eksena, pero kayo na ang humusga kung totoo ba o fake ang eksena namin.  Para kasi sa amin, hindi mo maibibigay ang totoong acting kung ipi-fake mo ang eksena, hindi mo mararamdaman ang sakit kung iilag ka.”

Magkakaroon din ng balikan sa teleserye ang dating magka-love team na sina Sunshine at si Polo Ravales.  Maraming aabangang mga pangyayari sa pagitan ng mga characters na bumubuo sa “Magkaagaw” na napapanood araw-araw, Mondays to Saturdays, after ng “Eat Bulaga.”

SHARON AT GABBY MOVIE MUKHANG MATUTULOY NA

SA SECOND night ng very successful “Iconic” concert nina Megastar Sharon CunetaGabby and Sharon at Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Araneta Coliseum, may announcement si Sharon sa fans niya.  Addressed niya ito sa kanyang discoverer and like a second father to her, si Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment.

“Kausapin mo na mukhang matutuloy na, nakipag-usap na sa akin, baka magbago pa ang isip.” “Sa mga umaasa, tulad ng anak kong si KC (Concepcion), at ang mga mahal kong Sharonians na hindi ako iniiwan at patuloy na sinusuportahan, heto na, baka matuloy na.” (Si Gabby Concepcion ang tinutukoy ni Sharon)

At kung sinabi ni Sharon noong mediacon na wala silang concert tour ni Regine, ipinaalaala naman niya kay Songbird ang tungkol sa kanilang tour bago natapos ang concert.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *