SHERYL CRUZ NA-BASH DAHIL SA SEXY ROLE

NAGSIMULA sa pag-post ng isang sexy picture sa kanyang social media account kung saan ay naka-wallfacelingerie lang si Sheryl Cruz, nasundan naman agad ito ng isang teleserye, ang “Magkaagaw” with Sunshine Dizon, Jeric Gonzales at Klea Pineda.

Sa naturang teleserye, muling pinakita ni Sheryl ang kanyang pagiging hot sa mga eksenang nakakakiliti kasama si Jeric Gonzales. Marami ang pumuri sa naturang love scenes, lumabas itong maganda at nabigyan ni Sheryl ng hustisya ang kanyang role kahit pa sabihin na mas hamak na malaki ang agwat ng kanilang edad, almost 20 years. At siyempre kung may nagkakagusto sa sexiness ni Sheryl may mangilan-ngilan naman ang hindi gusto. Tulad na lang ng isang basher ni Sheryl na nagsabing kung kailan tumanda saka naman… medyo binitin pa ang kanyang sinabi.

Hindi naman pinalagpas ni Sheryl ang natu­rang bash sa pagsasabing “yes, may problema po ba?” At sinundan pa agad ito ng maraming followers ni Sheryl sa pagtatanggol sa kanilang idolo.

JAK ROBERTO SUPER PROTECTIVE PA RIN SA KAPATID NA SI SANYA

SUPER protective brother itong dyowa ni Barbie Forteza na si Jak Roberto pagdating sa kanyang Jak robertokapatid na si Sanya Lopez. O ‘di nga ba, pabiro pa nga itong sinabihan ni Jak nang mapanood ang sexy scene ni Sanya sa isang project na papaluin niya ito. Ganyan kamahal ni Jak ang kapatid kung saan kinikilatis niya ang mga proyektong ginagawa nito.

Natural lang naman siguro sa lahat ng kuya na protektahan ang nakababatang kapatid na babae. But then, hindi pa sa pagpapa-sexy sa pelikula o teleserye ang ginawa ni Sanya, pasok na rin siya bilang sexy calendar girl ng isang inuming nakalalasing, kung saan ang kanyang alindog ay nakabilad sa isang malaking kalendaryo.

Ano naman kaya ang masasabi ngayon ni Jak? Nakita na nga ng hunk actor ang mga kalendaryo, at ang say nito ay kaunting diet pa para mas lalong sumeksi. Ganyan na ngayon ang pananaw ni Jak sa pagpapa-sexy ni Sanya.

Natanggap na rin niya na parte ng kanilang trabaho ang mga ganitong eksena at kaganapan. At bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa ginawa ng kapatid ay nag-post si Jak ng isang congratulatory note sa kanyang social media account.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *