SONNY PARSONS PUMANAW NA

SONNY PARSONS

Pumanaw na ang 61 taong gulang na singer-actor Sonny Parsons.

Sa pahayag ng anak nito, inatake  sa puso ang aktor dakong alas-10:00 ng umaga habang nasa charity drive kasama ang Law Enforcement Riders Association of the Philippines (LERAP) sa Tayabas, Quezon.

Nakilala si Sonny o Jose Parsons Agliam Nabiula Jr., sa tunay na buhay noong dekada ’70 at ’80 nang mapabilang ito sa grupong Hagibis na siyang nasa likod ng sikat na awiting ‘Katawan’ at ‘Legs’.

Pumasok din sa showbiz si Sonny Parsons bago sumabak sa politika. DWIZ882

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *