SPECIAL BUBBLE AWARDS SA PBA STAFF

Pba

GAGAWARAN ang buong PBA staff ng special citation sa PBA Press Corps virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Ang 17-man league personnel na pinamumunuan ni Deputy Commissioner Eric Castro ay kikilalanin para sa kahanga-hangang round-the-clock work na kanilang ginawa para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga noong nakaraang taon.

Ang March 7 event ay handog ng Cignal TV at mapapanood sa PBA Rush sa March 8.

Ang special citation ang pinakabagong special bubble awards na iaanunsiyo ng grupo na nagko-cover sa PBA beat.

Ang iba pang awards ay ang Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, at President’s Award.

Nauna nang pinangalanan sina Justin Chua (Top Bubble D-Fender), Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger, at Chua (All Bubble D-Fenders), RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Perez (Scoring Champion) Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis (Game of the Bubble) at ang quintet nina Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona, at Renzo Subido (All-Rookie Team).

Sa hour-long program ay kikilalanin din ang mga awardee ng naunang season, sa pangunguna nina 2019 Baby Dalupan Coach of the Year Leo Austria ng San Miguel at Danny Floro Executive of the Year PBA Chairman Ricky Vargas, Presidential Awardee Vergel Meneses, mayor ng Bulakan, Bulacan at isa sa PBA’s 25 Greatest Players, at Defensive Player of the Year Sean Anthony of NorthPort. CLYDE MARIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *