(Sumalubong sa Marso) TAAS-PRESYO SA LPG, PETROLYO

petrolyo

MULING tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw.

Sa anunsiyo ng Shell, Cleanfuel, Caltex, PTT Philippines, Seaoil, at Petro Gazz, may dagdag na P1 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina at P0.85 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, at Caltex ng P0.70 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ang adjustment ay epektibo ngayong alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magbabago ng presyo sa alas-4:01 ng hapon.

Simula kahapon ng alas-6 ng umaga ay nagpatupad din ang Solane ng P0.65 dagdag-presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Nasa P0.82 kada kilo  naman ang itinaas ng presyo ng LPG ng Petron sa habang P0.46  sa kada litro ng auto-LPG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *