SUPPLY NG PAGKAIN SAPAT-DTI

DTI- PRICE CONTROL

TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) ang sapat na supply ng pagkain sa mga pamilihan sa pagpapalawig ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na regular ang pakikipag-ugnayan nila sa stakeholders para mabatid ang sitwasyon at matugunan ang anumang problema.

Ayon kay Lopez, hindi kailangang mag-panic buying dahil maraming supplier ang patuloy na nagde-deliver ng kanilang mga produkto lalo na ang basic goods.

Mayroon na rin aniyang mga hakbangin ang ilang lokal na pamahalan para magkaroon ng mas accessible na pamilihan ng pagkain ang mga residenteng apektado ng lockdown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *