SURPRISE DRUG TEST SA FLAG RAISING NG EPD

NASORPRESA ang mga rank officer at lowest rank ng Eastern Police District (EPD) sa ikinasang drug test kahapon sa lungsod ng Pasig.

Katuwang ni P/BGEN. Matthew Baccay, EPD-District Director ang pamunuan ng PNP Crime Laboratory sa surprise drug test na itinaon sa Monday Flag raising ceremony sa multi purpose hall ng EPD dakong alas-8 ng umaga .

Ginawa ang nabanggit na aktibidad batay sa direktiba ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na magsagawa ng drug test sa mga opisyal down to lowest o cleansing sa organisasyon para malinis ang pulisya sa mga scalawags at sangkot sa katiwalian at droga sa kanilang hanay.

Layunin umano nito na ibalik ang tiwala ng taong bayan sa awtoridad at matanggal ang mga scalawag at anay sa kanilang organisasyon.

Tinuran pa ni Baccay, dapat sa mga pulis ay may serbisyong ‘tama, tapat, may tapang at malasakit’ sa mamamayan. ELMA MORALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *