TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

Petrolyo

MULING sasalubungin ang mga motorista ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Ito na ang ika-4 na sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng gasolina, habang ika-8 sunod na linggo naman kapwa sa diesel at kerosene.

Sa abiso ng  Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng P0.70, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.40.

Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi nito iniaalok.

Epektibo ang price hike ngayong alas-6 ng umaga.

Ang ibang kompanya ay hindi pa nag-aanunsiyo ng pagbabago sa presyo.

Sa pinakabagong datos mula sa Department of Energy (DOE), hanggang noong June 23, 2020, ang year-to-date adjustments ay nagtala ng net decrease na P5.67 per liter para sa gasolina, P9.14 sa diesel, at P13.39 para sa kerosene.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *