(Talk to the People kinansela) PRRD LIGTAS SA COVID-19

PINAWI ng Presidential Security Group (PSG) ang pangamba na nahawa sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PSG commander Brig. Gen. Jesus Durante III, ligtas at nasa maayos na health condition ang Pangulo kahit pa ilan sa kaniyang tauhan ay nagpositibo sa COVID-19.

“President Rodrigo Duterte is safe and in good health even if some members of the Presidential Security Group have been afflicted with coronavirus disease,” ayon kay Durante.

Paliwanag pa ng PSG commander, hindi direktang close contact ang Punong Ehekutibo ng mga nagpositibo.

Tiniyak ni Durante na sumunod sila sa health protocols at inamin na maging sila ay hindi sinasanto ng COVID-19.

Tiniyak ni Durante na patuloy nilang gagampanan nang buong husay ang kanilang pagbibigay proteksiyon sa VIPS, pagbabantay sa PSG compound, residences at Malacanang Complex.

“Despite the challenges posed by the virus, PSG continues to perform its mandate. As earlier mentioned, we have established protocols to contain the spread of the virus and we will continue to enforce it so that the President is kept safe and secured from all forms of threats at all times,” giit pa ni Durante.

Samantala, kinansela na ni Pangulong Duterte ang kaniyang Talk to the People Address kagabi bunsod na rin ng tumataas na bilang ng mga nagpopositibo aa COVID-19. EVELYN QUIROZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *