(Target na mapalakas ang negosyo) ‘MANILA RESTAURANT WEEK’ ILULUNSAD

Manila Mayor Isko Moreno

INANUNSYO ni Manila Mayor Isko Moreno na ilulunsad sa kalagitnaan ng buwang ito ang ‘Manila Restaurant Week’ upang i-promote ang mga restaurant sa lungsod at muling pasiglahin ang klima ng kalakalan sa gitna ng pandemya.

Gaganapin ang  grand virtual launch sa Setyembre 15 sa iba’t-ibang venues na ihahayag sa mga darating na araw.

Ayon kay Moreno ang nasabing isang linggong food festival na ipinanukala ni Permits Bureau chief Levi Facundo na layuning suportahan ang mga ‘aims  city-based entrepreneurs’ partikular ang mga local restaurateur, ang pamahalaang lungsod at ang mismong ekonomiya ng lungsod .

Sinabi pa ni Moreno na mararanasan ng lahat ng mga parokyano ang alaala ng nakalipas habang kumakain na nakatanaw sa Old Manila.

Ayon kay sa alkalde ang ‘Manila Restaurant Week’ ay nakatakdang ganapin mula  September 20 hanggang 27, 2020 na bahagi ng  ’Manila Support Local’ campaign na nauna nang inilunsad upang hikayatin ang publiko na tangkilikin ang mga negosyong nakabase sa Maynila sa tuwing sila ay kakain at mamimili ng anumang pangangailangan.

“This citywide celebration is meant  to promote Manila restaurants, from the most prominent ones to the ‘hidden gems.’ Each time you avail from our partner restaurants, you give back to these establishments the honor of being resilient amids challenges from which we are truly grateful,” ayon kay Moreno.

Nabatid pa na mayroon ng  66 restaurant owners ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na sumali sa  weeklong festival.

Ang bawat lalahok na restaurant ay mag-aalok ng prix-fixe breakfast, lunch o dinner sa abot kayang halaga upang i-promote ang kanilang  restaurant sa pamamagitan ng pagpapakilala ng kanilang  specialties at bagong naimbentong putahe.

“For the first time in history, as the City of Manila adapts to the restrictions placed due to the COVID-19 pandemic, we are virtually launching the Manila Restaurant Week 2020, designed to capture the attention of the public and introduce each participating restaurant. Media, celebrities and influencers will go around each participating restaurant to introduce their prix-fixe menus on livestream media viavarious and popular online platforms,” ani Facundo.

Ang ‘Manila Restaurant Week’ ay gagawin buwan-buwan sa loob ng walong araw  (mula Linggo hanggang Linggo) hanggang sa bumalik na sa normal ang lahat. Ang mga paanyaya ay naipadala na sa iba’t-ibang etablisiyemento na nagsisilbi ng pagkain.

Ang lahat ng mga lalahok maging ito man ay  fine dining, casual dining, cafes, bar o lounges ay nire-require na magpromote ng program sa loob ng dalawang linggo sa kanilang social media pages at sa harap ng kanilang pintuan para sa mga  walk in customers. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *