(Tiniyak sa mga benepisyaryo) CCT GRANTS TULOY PA RIN

Land Bank

PATULOY na makatatanggap ang mga benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer (CCT) sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan tulad ng nakaiskedyul sa pamamagitan ng kanilang cash cards, ayon sa Land Bank of the Philippines.

Sa isang statement, sinabi ng LandBank na may kabuuang 2,528,112 CCT beneficiaries sa buong bansa ang tatanggap ng cash grants sa March 24, 26, at 28.

Ang LandBank Cash Cards ay maaaring gamitin sa cashless purchases ng groceries at medicines sa supermarkets at  drugstores sa pamamagitan ng  point-of-sale (POS) machines sa cashier o checkout counters,” it said.

Sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ang cash transfers ay ipinagkakaloob sa mahihirap na pamilya basta ang kanilang mga anak ay nananatiling nag-aaral, bumibisita sa health centers, at dumadalo sa family development sessions.

“Also, in line with safety and health measures being adopted by the Bank, clients are encouraged to use LandBank’s ATMs and electronic banking channels which may be accessed 24/7, anytime, anywhere, instead of going to its branches,” pahayag ng Landbank.

Simula noong March 17, ang buong Luzon ay isinailallm sa enhanced community quarantine kung saan tatagal ito sa April 13, 2020 bilang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *