TITSER BINOGA SA BARBER SHOP

baril

ABRA – BUMULAGTA ang 41-anyos na teacher matapos itong barilin ng hindi kilalang gunman habang nagpapagupit sa barbershop sa bayan ng Bangued ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Rodelio Clair Bueno ng Brgy. San Gregorio sa bayan ng La Paz habang tumakas naman ang salarin na animo’y walang naganap na pamamaril.

Base sa police report, nagpapagupit ang biktima sa Nino Barbershop sa Capitulacion Street, Zone 2 nang biglang pumasok ang gunman at pinagbabaril ito.

Ayon sa pulisya, walang record ang biktima na sangkot sa anumang illegal na gawain na naisugod pa sa Abra Provincial Hospital subalit namatay din ito habang ginagamot.

Dahil dito, naglunsad ng malawakang manhunt operation ang pulisya laban sa suspek. MHAR BASCO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *