TOLENTINO SA PSA FORUM

Abraham Tolentino

TATALAKAYIN ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang lahat ng tungkol sa Philippine sports bilang solo guest ng weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum ngayong araw.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin ni Tolentino ang nakatakdang POC election, ang paglagda kamakailan sa Bayanihan Act 2, ang bakunang dinedebelop para sa COVID-19 pandemic, at ang patuloy na pagsasanay ng Filipino athletes para sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Pag-uusapan din ang cycling sa 10:00 a.m. session, kung saan siya ang head ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling).

Ang Forum ay mapapanood nang live via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isi-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *