TOP 8 MOST WANTED PERSON NASAKOTE

CAVITE- ISANG pugante na tinuturing na top 8 most wanted person sa isang bayan sa lalawigan ng Sorsogon ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group sa ikinasang law enforcement operation sa Pasinaya Homes Central Naic sa lalawigang ito kahapon.

Kinilala ni PNP-AKG Spokesman P/Lt.Col Rannie Lumactod ang nadakip na si Jovencio Boquirin Ereño na may kasong frustrated murder sa Gubat Sorsogon na siyang target ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Bernardo Jimenez Executive Judge ng RTC Branch 54, 5th Judicial Region, Gubat, Sorsogon.

Sa ulat na isinumite kay PNP-AKG Director P/Bgen Jonnel C Estomo, makaraang magpositibo ang mga nakalap na intelligence information at i­lang araw na surveillance operation ay inilunsad ng PNP-AKG ICMD sa pamumuno ni P/Maj. Jorden V. Gutay ang law enforcement operation laban sa suspek.

Kahapon ng umaga isang confidential infor­mant ang nagparating sa PNP- AKG Operatives na namataan ang suspek sa Pasinaya Homes Central, Naic, Cavite bandang ala-6 ng umaga.

Kasalukuyang nakadetini ang suspect sa AKG lockup jail para sa follow up investigation at booking procedures bago ibalik ang warrant sa nag-isyung korte para sa commitment order. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *