TOURIST SITES BUBUKSAN NA SA MODIFIED GCQ AREAS

Sec Puyat

PAPAYAGAN na ang local tourism na magbalik-operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (GCQ), ayon sa Department of Tourism (DOT).

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na inihahanda na ng ahensiya ang mga hotel at resort para sa muling pagbubukas ng domestic tourism sa gitna ng pandemya.

“Marami sa ating mga tourist sites ngayon ay nasa general community quarantine (GCQ) na. Ibig sabihin nun, kapag naging modified general community [quarantine], puwede nang magbukas ang tourism,” ani Puyat.

“Ngayon pa lamang ay pine-prepare na namin ‘yung mga hotels at resorts para sa ating safety protocols,” dagdag pa ng tourism chief.

Aniya, nagpalabas na ang ahensiya ng mga panuntunan sa mga hotel at resort noong Linggo.

Bukod sa tourism sector, sinabi ni Puyat na pinakikilos din ng DOT ang local government units para sa pagpapatupad ng health protocols sa tourist sites.

“Importante sa amin na magbukas na, at least kahit paunti-unti lang, hinay-hinay lang, ang tourism  para magkaroon na ng trabaho ang nawalan ng trabaho ngayong COVID-19,” sabi pa ni Puyat.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *