(Tricycle at dalawang bahay inararo) 1 PATAY, 11 SUGATAN SA TRAILER TRUCK

truck

QUEZON-PATAY ang isang bata at 11 ang sugatan matapos araruhin ng trailer truck na pag-aari ng Fujitrans Logistics Philippines Inc. ang isang tricycle at dalawang bahay sa may Maharlika Highway bahagi ng Brgy.Inaclagan bayan ng Gumaca.

Kinilala ng Gumaca PNP ang biktimang dead on the spot na si Luiz Ariola,7-anyos at ang mga sugatan na sina Mariane Jimenez,10-anyos;Trisha Mae Devilles,1-anyos;Lianne Joy Covacha,7-anyos; Calex Jeron Covacha,1-anyos; Angel Philip Ner,6-anyos; Carmina Ariola,14-anyos; Paul John Maralit,8-anyos; Mark Albert Jimenez,13-anyos; Flor Jimenez,Ruel Rojo,at Liwayway Cal na pawang mga residente ng naturang barangay.

Base sa report ng pulisya,naganap ang insidente dakong alas-4:35 ng hapon habang binabagtas ng driver ng trailer truck na si Edmar Tuanda Nocos,29-anyos at residente ng Sta Rosa, Laguna ang kahabaan ng Maharlika Highway patungo ng Manila North Bound nang salpukin nito ang isang tricycle at dire- diretsong kinaladkad ito sa dalawang bahay na nasa tabing kalsada.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang agad namang nadakip ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Gumaca PNP custodial facility na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide,Multiple Physical Injuries and Damage to Property. BONG RIVERA

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *