TROPANG GIGA, BATANG PIER MAGKAKASUBUKAN

Mga laro ngayon:

DHVSUG, Bacolor,

Pampanga

3 p.m.- TNT vs NorthPort

6 p.m.- Ginebra vs Phoenix

MAKALIPAS ang mahigit tatlong linggong quarantine, sabik na si coach Pido Jarencio na bumalik sa sidelines at personal na gabayan ang NorthPort.

Hindi lamang niya alam na bahagi ng sasalubong sa kanya ay ang TNT Tropang Giga, na makakasagupa ng Batang Pier sa PBA Philippine Cup ngayong Miyerkoles sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

“Ang gandang welcome back sa akin, TNT agad,” pahayag ni Jarencio makaraang ilabas ng liga ang final schedule para sa linggo nitong Martes.

Nakatakda ang laro sa alas-3 ng hapon.

“Pero ganoon talaga and tingnan na lang natin kung papaano magiging practice ng mga bata mamaya,” dagdag ni Jarencio. “For sure, naka-focus naman mga players and ready kami.”

“I think these are times where your ability to address what’s in front of you is what’s important, so ‘yun lang iniisip namin. Hindi muna namin iniisip ang record o future,” aniya.

“So sa amin, ‘yun ang unang pinaka-importante. Focus now at the task at hand, which is the game at hand. We’re not really looking too far ahead.”

Makakalaban ng Batang Pier sa kanilang huling dalawang laro ang Magnolia Ang Pambansang Manok at Rain or Shine.

“Mabigat ang TNT, pero basta magtuloy-tuloy lang magandang laro ng mga bata mas gaganda chances namin,” sabi ni Jarencio, at idinagdag na nananatiling kuwestiyonable para sa TNT si Greg Slaughter, na inilabas sa  96-94 win laban sa NLEX noong Linggo dahil sa skin infection.

Sa main game sa alas-6 ng gabi ay magtatagpo ang Barangay Ginebra at Phoenix.

Target ng Fuel Masters ang ika-5 panalo sa 10 laro habang sisikapin ng Gin Kings na mapaganda ang kanilang kasalukuyang 3-5 marka. CLYDE MARIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *