TSERMAN NILIKIDA

ILO ILO- ISANG barangay chairman na kasapi ng LGBT community ang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Calinog sa lalawigang ito noong umaga ng Linggo.

Ayon sa pulisya, pauwi ng Tapaz, Capiz ang biktimang si Julie Catamin, 49-anyos nang pagbabarilin siya ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Nabatid na si Catamin ay kasalukuyang punong barangay ng Barangay Roosevelt sa Tapaz.

Sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng kanyang motorsiklo si Catamin sa Barangay Malitbog Centro, Calinog nang dikitan at pagbabarilin ng mga salarin saka mabilis na tumakas.

Sinubukan pang itakbo sa pagamutan si Catamin pero idineklarang dead on arrival ito ng attending physician dahil sa tinamong tama ng bala sa likod. VERLIN RUIZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *