VACCINATION PROGRAM ACT PASADO NA SENADO

Senador Sonny Angara-4

APRUBADO na sa Senado ang batas na naglalayong pabilisin ang pagbili ng gobyerno sa bakuna kontra COVID-19.

Pasado na sa third reading ang Senate Bill No. (SBN) 2057 o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 nitong Pebrero 23. Nasa 22 senador ang bumotong pabor dito.

Layunin ng panukalang batas na ito na pabilisin ang pagbili ng COVID-19 vaccine para sa mga Filipino.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairperson ng Committee on Finance at ang sponsor ng panukala, ito ay para matapos na ang pandemya at maka-recover na ang ekonomiya ng bansa.

Si Senate President Vicente C. Sotto III ang principal author ng panukala at kabilang din sa mga nag-akda ay  sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel “Migz” F. Zubiri, Sens. Angara, Pia Cayetano, Imee R. Marcos, Grace Poe at Ramon Bong Revilla Jr. LIZA SORIANO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *