VOLLEYBALL: SANTIAGO HANDA NANG SUMABAK SA SEA GAMES

Jaja Santiago

DETERMINADONG maglaro si Filipina middle blocker Jaja Santiago sa 2021 Southeast Asian Games.

Ang Pinay ay hindi nakapaglaro para sa Filipinas sa 2019 edition ng biennial event makaraang mabigong makakuha ng clearance mula sa kanyang koponan sa Japan’s V.League, ang Saitama Ageo Medics.

Natalo ang Filipinas sa lahat ng kanilang laro sa kumpetisyon.

Bago ang SEA Games sa Hanoi, Vietnam ngayong taon, sinabi ni Santiago na may nabuo na silang arrangement ng kanyang koponan para makapaglaro siya sa biennial meet.

“Maaga pa lang din, nasabi ko na sa team ko, hindi pa ako nakakapirma ng contract ko, nasabi ko sa kanila na gusto ko this time na kahit anong international tournament ko for Philippines, gusto ko pupunta ako for my national team, maglalaro ako for my national team,” wika ni Santiago sa panayam ng  CNN Philippines.

Ayon kay Santiago, pumayag naman ang Ageo Medics sa kanyang kahilingan bagama’t may kakaharapin siyang consequences.

“Kumbaga, may penalty,” aniya.  “So papayagan nila ako na maglaro sa SEA Games.”

Gaganapin ang 2021 SEA Games mula November 21 hanggang December 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *