WESLEY KAMPEON ULIT SA U.S. CHESS

Wesley So

NANATILING walang talo si Filipino-American Wesley So sa kanyang title run makaraang makipag-draw kay fellow super Grandmaster Hikaru Nakamura sa final round ng 2020 US Chess Championship.

Si So ang huling player sa kumpetisyon na hindi nakatikim ng talo at tumapos na may 9 points sa 7 panalo at apat na draws na may performance rating na 2,801.

Ito ang ikalawang US Chess championship ni So matapos na maghari sa torneo noong 2017.

“Winning the US Championships for the second time is a gift at the end of a very long hard year. I know most people in the world are suffering in different ways and my prayer is that God would give you something special to help through the hard times just as He has done for me today,” sabi ni So sa kanyang post sa Facebook.

Tumanggap si So, naglalaro ngayon para sa US Federation, ng $40,000 o P1.9 million na premyo sa kanyang pinakaba-gong tagumpay sa US Chess Championship.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *