WSC SEMIS LUMARGA NA

World Slasher Cup

UMARANGKADA na kahapon ang semifinals ng 2020 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby 1 sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa 99 entries ang nakatakdang magbakbakan para sa 3-cock semifinals simula ala-una ng hapon kahapon matapos umalagwa ang 2-cock eliminations noong Enero 20 at 21.

Ilan sa top fighters na magsasagupa para sa semifinals sina dating World Slasher Cup champions Nene Araneta, Patrick Antonio at Frank Berin, na pawang nagtala ng 2-0 record sa elimination round.

Idedepensa ni Araneta ang kanyang titulo sa nakalipas na World Slasher Cup 2, target ni Antonio ang kanyang ika-8 WSC championship at puntirya naman ni Frank Berin ang ika-4 na kampeonato.

Bukod sa kanila, mayroon pang 38 entries na nakapagtala ng tig-dalawang panalo sa elimination rounds tulad ng team San Agustin, Blue Max, Romhead, Darpy at Stingray.

Ang mga mananalo sa semifinals ay aabante sa 4-cock pre-finals sa Enero 25 at sa grand finals sa Enero 6 kung saan hihirangin ang bagong kampe-on ng World Slasher Cup.

Tinagurian bilang ‘Olympics of Cockfighting’, ang WSC ang pinakauna at pinaka-prestihiyosong sabong event sa buong mundo. Ni Dadi Tsiken

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *