NAKATAKDANG maglaan ng halagang ¥10.68 billion yen ang pamahalaan ng Japan para sa Filipinas upang magamit sa defense enhancement ng Hukbong Sandatahan.
Nabatid na napagtibay na ng pamahalaan ng Japan ang pagkakaloob ng grant aid para sa Filipinas para sa tinatayang limang pisong bilyong halaga ng spare parts at maintenance equipment para mapanatiling nasa running condition ang mga UH-1H helicopters ng Philippine Air Force (PAF).
Binubuo ang mga piyesang ipagkakaloob sa PAF ng mga airframe structure; dynamic power system, control system; rotor system; hydraulic system; electrical system; instrument system; accessory equipment; at iba pang mga kagamitan.
Ang mga UH-1H helicopter ay ginagamit ng Hukbong Panghimpapawid sa paghahatid ng mga tao partikular sa humanitarian assistance and disaster relief, transport, and intelligence, surveillance and reconnaissance.
Nabatid pa na sa mass transport system ng Filipinas ay magkakaloob din ang Japan ng ¥38-billion (P17.79 -B) loan para sa kompletong rehabilitasyon ng MRT.
Ikinatuwa naman ng Department of National Defense ang naganap na “Exchange of Notes” sa dalawang bansa hinggil sa grant para sa UH-1H spare parts and equipment mula Japan na nagkakahalaga ng JPY5.309 billion sa pagitan nina Secretary of Foreign Affairs Teodoro L. Locsin, Jr. at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda kamakalawa at sinaksihan ni Secretary of National Defense Delfin N. Lorenzana.
VERLIN RUIZ
Comments are closed.