1.2 KILONG MARIJUANA SA COURIER EXPRESS NASABAT

CAVITE – AABOT sa 1.2 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na pinadala sa 13 parcel ng kilalang courier express ang nasabat ng mga operatiba ng PDEA4A sa warehouse sa Brgy. San Agustin II, Dasmarinas City kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat ng PDEA Calabarzon, natanggap sila ng tawag mula sa kilalang courier express na may 13 parcel na kahina-hinalang naglalaman ng illegal drugs.

Kaagad na rumesponde ang PDEA 4A sa nasabing warehouse kung saan isinailalim sa K9 sniffing Adam ang 13 parcel na ukay-ukay at nagpositibo naman sa dangerous drugs.

Nang buksan ang mga parcel ay bumungad ang mga plastic na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at tuyong buto ng MJ na tumitimbang na 1.2 kilo at na may street value na P144K.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang PDEA4A upang matukoy kung tunay ang pangalan na Ethan David Gabriel na nagpadala ng 13 parcel na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ng pinadalhan ng dangerous drugs. MHAR BASCO

188 thoughts on “1.2 KILONG MARIJUANA SA COURIER EXPRESS NASABAT”

  1. 333094 617900If youre still on the fence: grab your favorite earphones, head down to a Finest Buy and ask to plug them into a Zune then an iPod and see which one sounds greater to you, and which interface makes you smile much more. Then youll know which is right for you. 95643

Comments are closed.