Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), tumama ang naturang virus sa mga lalawigan ng Pampanga, Laguna, Camarines Sur, Davao Sur, Region 4 at Bulacan.
Dahil dito, patuloy na sinisikap ng BAI na mapigilan ang pagkalat ng bird flu sa mga poultry farm sa bansa.
Kabilang na rito ang information dissemination, disease investigation, culling at pagpapatupad ng quarantine zone.
Sa ngayon, aabot na sa 189 kaso ng bird flu ang naitatala sa bansa kung saan halos 200,000 manok na ang namatay dahil dito.
DWIZ 882