1.34KM BUCANA BRIDGE CONSTRUCTION NASA KALAGITNAAN NA NG KONSTRUKSYON

NASA kalagitnaan na ng konstraksiyon ang 1.34 Kilometer Davao River Bucana Bridge, ayon sa report na nakarating sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Undersecretary Emil Sadain nasa 53.76 percent ang accomplishment status ng proyektong ito, at inaasahan na matatapos ito bago matapos ang taong 2025.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 3.126 bilyon pesos, at itoy China-Aid grant, kung saan isang chinese contractor (China road and Bridge Corporation (CRBC) ang siyang may akda ng kontrata.

Ang apat na lane 6 span Bucana bridge ay matatagpuan sa kahabaan ng Davao City Coastal road, kung saan ito ang masisilbing alternate route ng mga sasakyan na dumadaan sa urban road network ng Davao City.

FROILAN MORALLOS