1.4 MILYONG TRABAHO, LILIKHAIN NG CORPORATE INCOME TAX REFORM BILL – DOF

TINATAYANG aabot sa 1.4 million jobs ang malilikha sa pagitan ng 2021 at 2029 sa sandaling maisabatas ang isang bill na magpapababa sa corporate income tax, ayon sa Department of Finance (DOF).

Ang second comprehensive tax reform package (CTRP) na kasalukuyang nakabimbin sa Kongreso ay naglalayong ibaba ang 30 percent corporate income tax (CIT) sa 20 percent pagsapit ng 2029.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang CIT ay bababaan ng 2 percentage points kada dalawang taon simula sa 2021 hanggang  2029.

Paliwanag ng DOF, ang mas mababang CIT ay magbibigay ng karagdagang kapital sa mga kompanya na magbibigay-daan para makapag-invest sila at kumuha ng mga ­manggagawa.

“This tax reform, once approved by the Congress and enacted into law, will create an estimated 113,944 jobs in 2021 all the way up to 1.4 million in 2029,” wika ni Finance Assistant Secretary Antonio Joselito Lambino II.

Nauna nang binigyang-diin ni Finance Undersecretary Karl Kendrick T. Chua sa pagdinig ng Senado sa corporate tax reform ang positibong epekto ng pagpapababa sa CIT sa paglikha ng trabaho.

“With lower tax rates, such a proposal is hardly inflationary while creating over a million jobs over the medium term as firms expand with more money at their disposal,” pahayag ni Chua.

Halimbawa, aniya, sa 26-percent CIT rate sa 2023 ay may karagdagang  171,940 trabaho ang malilikha, kung saan tataas ito sa 252,031 sa 2025; 361,767 sa 2027; at 511,021 pa sa 2029; o kabuuang 1.4 million jobs sa loob ng 10 taon.

Layunin din ng panukalang batas na i-rationalize ang mga insentibong tinatamasa ng top 1,000 private corporations sa bansa, at gawing patas ang playing field para sa  small-and-medium enterprises (SMEs), na nag-eempleyo  ng 33 percent ng  labor force.

“Some 90,000 small-and-medium enterprises (SMEs), and some of the hundreds of thousands more micro-enterprises have to pay the steep rate of 30 percent under the convoluted corporate tax system that has not been changed for over two decades now,” ayon sa DOF.

Comments are closed.