UMAABOT sa 1.5 bilyong pekeng accounts ang isinara ng Facebook sa loob lamang ng anim na buwan.
Inihayag ito ng Facebook sa kanilang latest Community Standards Enforcement Report.
Ang Facebook ay nakabantay rin sa mga terroristic propaganda, adult nudity, sexual activity, hate speech, spam, karahasan at graphic content na ibinabahagi sa Facebook mula Abril 2018 hanggang Setyembre 2018.
Ayon sa Facebook, kung ikukumpara sa nagdaang report na kanilang inilabas ay mahigit sa doble ang naitala nilang hate speech sa ngayon na umabot sa 52% kumpara sa 24% lang noong nakaraan.
Karamihan sa mga post na inalis ng Facebook ay natuklasan nila bago pa man may nag-report ng mga ito.
Tumaas naman ng 25% ang proactive detection rate ng Facebook para sa karahasan at graphic content, dahil nakapagtala ngayong taon ng 97% kumpara sa 72% noong nakaraang taon.
Sa second quarter at third quarter ng taon, sinabi ng Facebook na umabot na sa mahigit 1.5 billion na fake accounts ang kanilang naisara.
Comments are closed.