INAASAHAN ng Bureau of Immigration (BI) na aabot sa kabuuang 1.5 milyon na mga paparating na pasahero nitong huling buwan ng Disyembre.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, sa second quarter ng 2023 ay umabot na sa mahigit 1 milyon na mga pasahero kada buwan na mas maliit sa 100,000 na mga pasahero kada buwan noong panahon ng pandemya.
Sinabi pa ni Tansingco, nito lamang Nobyember, ang BI ay nagtala na ng 1,160,699 na pasahero na karamihan ay mga dayuhan.
Ito, ayon pa kay Tansingco ay dahil sa kampanya ng turismo na ipinapatupad ng gobyerno.
Bago mag-pandemic, ang BI ay nakapagtala na ng 1.7M na pasahero o 79% na mas mataas noong 2022. PAUL ROLDAN