1.7-M BAGONG BOTANTE NAKAPAGPAREHISTRO SA BSK POLLS

IKINATUWA ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdami ng nagparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na gaganapin sa Nobyembre.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na pumalo na ngayon sa 66 milyon ang bilang ng rehistradong botante sa Pilipinas.

Malaki ang naging ambag dito ng nagdaang May 9 elections kung saan naging aktibo ang lahat sa usapin ng pulitika.

Sa huling datos, umabot na sa 1, 712, 315 ang nakapagparehistro para sa BSK elections.
Inaasahan namang lalagpas pa ito sa na-estimate nila na 2 milyon bago matapos ang registration period sa Hulyo 23.