1.7 MILYONG PINOY SA ABROAD, LALAHOK SA ABSENTEE VOTING

AABOT sa 1.7 milyong Pilipino na nasa ibayong dagat ang inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na lalahok sa overseas absentee voting kaugnay ng May 9 national at local elections.

Batay sa pinakahu­ling datos ng Comelec, umaabot sa 1,697,215 ang rehistradong overseas voters. Sa nasabing bilang, 1,677,631 ang land-based voters habang 19,584 ang sea-based voters.

Kalahati ng mga overseas Filipino voter ay nasa Gitnang Silangan at Africa at sumunod na pinakamarami ay nasa Asia Pacific Region.

Karamihan din sa mga botante ay mga babaeng overseas Filipinos na umaabot ng mahigit isang milyon habang nasa mahigit animnaraang libo ay mga lalaking botante.

Isang buwan ang pagdaraos ng overseas absentee voting na magsisimula sa darating na Abril 10 hanggang sa election day sa Mayo 9.

Tanging mga kandidato sa pagka-Presidente, Bise Presidente, senador at partylist representatives ang kanilang inoboto.     JEFF GALLOS