1.8-M INDIBIDWAL TARGET SA 4TH VAXX NG GOV’T MALABO

POSIBLENG  mabigo muli ang pamahalaan sa pag-abot sa target na 1.8 milyong indibidwal na mabakunahan sa ikaapat na yugto ng “Bayanihan, Bakunahan” program ng gobyerno.

Ayon kay Health Undersecretary and National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje, sa ikalawang araw ng tatlong araw na malawakang bakuhanahan, nasa 44.49% lamang ng target na bilang ang nabakuhanahan.

Katumbas aniya ito ng 836,162 ng naiturok na bakuna.

Inisa-isa rin ni Cabotaje ang mga posibleng dahilan ng pagkabigo ng gobyerno kabilang na ang nangyaring pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa bansa kaya hindi nakapunta ang ilan at hindi nakapag bahay-bahay ang mga vaccinator.

Ilang Pilipino na rin ang nakakampante at iniisip na hindi na nila kailangan pa ng primary at booster shots bunsod na rin ng pagbaba sa naitatalang kaso ng COVID-19.

Sa katunayan, aniya, hirap na hirap silang kumbinsihin ang ilang senior citizen na magpabakuna.