1.8-M NABAKUNAHAN VS COVID-19 SA 4TH BAYANIHAN, BAKUNAHAN

UMABOT  na sa 1.8 milyong katao ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa ikaapat na “Bayanihan, Bakunahan” program ng pamahalaan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Doctor Kezia Lorraine Rosario, co-lead ng National Vaccination Operations Center na naabot na ng pamahalaan ang target.

Nakamit ito dahil pinalawig pa ang “Bayanihan, Bakunahan.”

Ayon pa kay Rosario, pinalawig din ang pagbabakuna sa senior citizens.

Nagsimula ang ikaapat na “Bayanihan, Bakunahan” nitong Marso 10.

Naging matagumpay aniya ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 12 hanggang 17-anyos.