1.8 M TARGET ADULT POPULATION SA QC FULLY VACCINATED NA

UMAABOT na sa 1,880,427 o 110.61% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa QC LGU, kabilang na rito ang mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Samantala, nasa 2,041,244 residente at workers sa QC naman ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na patuloy rin ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity.

Nabatid na sa kasalukuyan, nasa 189,242 na bata na ang nabakunahan sa ilalim ng vaccination program ng QC LGU.

Mayroon na ring kabuuang 4,226,974 doses ng bakuna ang naiturok ng ilalim ng #QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng ating healthcare workers, staff at volunteers.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Maaari umanong bisitahin ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy at bbangan ang iba pang anunsyo sa kanilang Facebook page o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng naturang programa. EVELYN GARCIA