1.8K STRANDED NAKAUWI NA SA NORTH COTABATO

Sagip

NORTH COTABATO – SA tulong ng Task Force Sagip Program, nakauwi na ang may kabuuang 1.8K katao kabilang ang mga overseas Filipino Worker (OFW) na na-stranded sa National Capital Region (NCR) sa kani- kanilang bayan sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Sa pinakahuling ulat, umabot sa 88 katao ang sinundo ng Task Force Sagip Mission mula sa Davao City.

Agad itong isinailalim sa decontamination process ang 88 dumating sa Amas Capitol, Kidapawan City at sasailalim sa 14-day quarantine sa inilaang quarantine facilities.

Ang mga ito ay pinarehistro sa iba’t-ibang barangay na sakop ng Kidapawan City para kompletuhin na ang requirements.

Sa ngayon, patuloy pa ang pagtulong ng Task Force Sagip team sa mga nastranded at nakahanda itong sumundo sa sea ports at airports ng Davao City at iba pang lugar sa Mindanao. MHAR BASCO