CAMP AGUINALDO – MATAPOS na manumpa bilang 2nd Lt ng Philippine Army Reserved si Matteo Guidicelli, isa pang aktor ang sumapi sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang reservist sa katauhan ni Rocco Nacino.
Inihayag ni Nacino na nagpa-enlist siya sa Philippine Navy kung saan inaasahan nitong magagamit niya ang kanyang background sa nursing.
Una rito, ang mga aktor na sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, at Robin Padilla ang nagpatala na bilang mga reservist sa Philippine Army.
Nabatid na sakaling tuluyang mapabilang sa Naval Reserved Force si Nacino ay posibleng maitalaga ito bilang kapitan dahil sa pagiging registered nurse, na board passer at may master’s degree sa nursing.
“I believe na magagamit ko ang skills ko as a nurse for medical missions, physical skills in times of calamity, and my influence to inspire and motivate the youth,” ayon sa Faceboof post ng aktor.
Noong Martes ay namataan ang aktor kasama si Dingdong Dantes na reservist naman ng Philippine Marine Corps, na mga sumalubong sa pagdating ng pinakabago at pinakamalakas na barkong pandigma ng Navy sa ginanap na welcome ceremony para sa BRP Conrado Yap (PS-39. VERLIN RUIZ
Comments are closed.