MULI na namang nanguna sa pinakabagong partylist survey ang 1-Ang Edukasyon Party-list base sa ipinalabas na Top 47 Party-list Ranking Based on Advocacy mula sa survey firm na Tangere.
Napag-alamang sa 47 partylists na tumatakbo ngayong mid-term elections, nasa Number 1 ranking ang 1-Ang Edukasyon Party-list na pinamumunuan ni Cong. Salvador “Bong” Belaro, Jr. o mas kilala bilang “Mr. Edukasyon” na nakakuha ng 82.70 points kung saan pinagbasehan ang ad-bokasiya ng mga tumatakbong partylists.
Ikinagalak naman ito ni Belaro kaugnay ng ipinalabas na pinakabagong survey na nagsabing isang testamento ito na maraming naniniwala at nagnanais na mapalakas ang education system sa bansa sa pamamagitan ng 1-Ang Edukasyon Party-list.
“Makaka-asa po kayo na ang inyo pong lingkod ay mas lalong magpupursige sa pagtulak ng mga makabuluhang batas para tugunan ang mga problemang kinakaharap sa larangan ng edukasyon sa ating bansa,” pahayag ni Belaro sa isang panayam.
Batay naman sa nasabing advocacy survey, pumangalawa sa Top 47 Party-list ang Senior Citizen na nakakuha ng 79.90 na sinusundan ng Diwa, 76.10; Butil, 74.30; PNPA, 71.90; ACTS-OFW, 71.40; Aangat Tayo, 70.00; Gabriela, 68.30; SINAG, 67.60; Agri, 67.60; Kabuhayan, 67.00; BUHAY, 66.90; AGAP, 66.50; MATA, 66.10; CIBAC, 65.70; YACAP, 65.60 at KABAYAN, 65.40.
Sinundan naman ito ng PBA, Kabataan, 1-SAGIP, Kalinga, ANAC-IP, Anakpawis, I-CARE, ALONA, Bagong Henerasyon, Bayan Muna, LPGMA, ABS, Akbayan, TUCP, Manila Teachers, Aasenso, Abang Lingkod, SBP, AAMBIS-OWA, Kusug Tausug, AA-KASOSYO, CCOP-NATCCO, ANGKLA, 1PACMAN, Magdalo, Anwaray, ABONO, AMIN, AKO BICOL at AGBIAG.
Ang Tangere ay isa ring mobile app na may kakayahang mangalap ng data sa buong bansa o geo-specific data gamit ang state-of-the-art analytics software at business intelligence platform para sa mas wastong resulta na survey.
Matatandaang kamakailan lamang ay nanguna rin ang 1-Ang Edukasyon Party-list sa isang survey na ginanap sa University of Caloocan kung saan nilahukan ng halos mahigit 500 political science students.
Comments are closed.