1 BATALYON NG SAF POPOSTE SA 2ND ROUND NG BOL PLEBISCITE

SAF-5

NORTH COTABATO – IDINEPLOY ng  Philippine National Police (PNP) ang isang batal­yon ng PNP -Special Action Force troopers sa Lanao Del Norte at sa lalawigang ito  para sa idaraos na ika­lawang yugto ng BOL Plebiscite bukas.

Ayon kay SAF Director, Chief Supt.  Amando Empiso, ang mga tropang ipinadala sa Midsayap,  Cotabato at sa Lanao del Norte ay ang mga SAF trooper na ideneploy noon sa Cotabato City para sa unang plebisito.

Ang mga ito ang magpapalaki sa mga SAF trooper na kasalukuyan nang naka-estasyon sa mga naturang lalawigan.

Bilin ni Empiso sa mga SAF commando, protektahan ang mga residente na boboto at tiyaking magiging payapa ang ikalawang plebisito ng Bangsamoro Organic Law.    EUNICE C.

Comments are closed.