$1-BILLION  INVESTMENT DEAL, NILAGDAAN PARA SA BATANGAS PLANT

memorandum of understanding

LUMAGDA ang SteelAsia Manufacturing Corp., ang pinakamalaking steelmaker sa bansa, sa isang memorandum of understanding (MOU) sa HBIS Group Limited ng China para sa kanilang unang inte-grated iron at steel facility sa Lemery, Batangas.

Sinelyuhan ng dalawang steel companies ang kasunduan sa Beijing noong Biyernes sa Philippine-China Business Forum, isang side event ng pag-bisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Sa ilalim ng MOU, ang SteelAsia at HBIS ay mag-i-invest ng USD1 billion para sa phase one ng Lemery plant.

“As DTI pursue a number of strategic projects, an important investment priority is the establishment of the first-ever modern, environment-friendly integrated steel mill project in the Philippines,” wika ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

“This is pursuant to the vision of President Duterte to establish the first integrated iron and steel plant during his term, which will allow the country to produce basic iron and steel products, including flat products. These are currently not being produced in the Philippines,” aniya.

Idinagdag ng kalihim na ang naturang partnership ng Filipino at Chinese companies ay susuporta sa hangarin ng bansa na maging major producer ng high quality at safe steel products pagsapit ng 2030.

Ayon sa trade chief, isa pang Chinese firm, ang Panhua Group, ang interesadong mag-invest sa inte-grated steel making sa Filipinas.

“Our bilateral relations with China is at a high level and is opening many business opportunities be-tween our two nations,” ani Lopez. PNA

Comments are closed.