1-BUWAN FETUS NATAGPUAN SA NAIA

ISANG buwan human fetus ang natagpuan ng female garbage collection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na itinapon sa loob ng garbage can.

Ayon sa impormasyon, natagpuan ang fetus ng garbage collector nitong Martes habang naglilinis ito sa may East Departure restroom ng paliparan kung saan nakabalot sa puting napkin.

Sa report ni Dr. Donita Arnesto, Medical Doctor ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang blood stained na binalot ng napkin tissue ay isang one month-old fetus.

Agad ito dinala ng mga tauhan ng MIAA Airport Police Department (APD) sa kanilang tanggapan sa Station 1 para magsagawa ng imbestigasyon upang malaman ang nanay ng nasabing fetus.

Kasabay nito, nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at forensic laboratory tungkol sa natagpuang fetus.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang nanay ng fetus upang papanagutin sa kanyang maling ginawa sa kanyang unborn baby.

FROILAN MORALLOS