1 DAULAH ISLAMIYAH LEADER, 10 PA UTAS SA ENGKUWENTRO

MAGUINDANAO DEL SUR- PATAY sa inilunsad na military operation ng mga tauhan ng Philippine Army 6th Infantry Division ang pinuno ng Daulah Islamiya at sampung tauhan nito sa area ng Mother Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan sa lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Ayon kay BGen. Oriel Pangcog, 601st Infantry Brigade Commander kasunod ng validation and confirmation ng nakalap na military intelligence ay agad na inilatag ang isang all out offensive ng kanilang puwersa.

Matapos ang isinagawa air at ground artilleries ay sinalakay na ng mga sundalo ang pinagkukutaan ng may 25 DI terrorist na nagresulta sa pagkasawi ng proclaimed Ameer ng Dawlah Islamiyah-Philippines at sampung tauhan nito base sa mga na-recovered na bangkay sa encounter site sa bulubunduking bahagi ng Mother Tuayan, sa Datu Hoffer Ampatuan.

Nabawi rin sa isinagawang clearing operation ang 10 high powered firearms at 3 explosives.

Inihayag naman ni MGen. Alex Rillera, Division Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, ang inulat na pagpapalakas at pagtitipon-tipon ng nasabing terrorist group ay nagpapakita na may masamang binabalak ang grupo Dawlah Islamiya.

Nabatid na ginamitan ng dalawang FA50 air asset ng Philippine Air Force at armour artillery ang lugar bago tuluyang pinasok ng mga sundalo.

“Government troops collected fingerprints from the deceased individuals for further confirmation.

SOCO BARMM, along with 6ID Imam were deployed to the area for processing the neutralized enemy personalities and conduct blessings to the mass grave,” dagdag na pahayag ni Lt Col Dennis C Almorato, Spokesperson, ng AFP 6ID. VERLIN RUIZ