INAASAHAN ng pamahalaan ang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng isang milyon doses ng Sinovac vaccines mula sa Beijing,China.
Ayon sa impormasyon mula sa Department of Health (DOH), ang mga vaccines na ito ay darating ngayong araw sakay ng Philippine Airlines (PAL) Airbus 330 mula China.
Napag-alaman na ang isang milyon doses ng Sinovac vaccines ang siyang binili ng Filipinas sa China at gagamitin bilang second dose sa mga naunang nabakunahang frontliners sa COVID-19.
Bukod sa Sinovac vaccines, kasunod na darating sa bansa ang donasyon ng World Health Organization (WHO) na Astrazenica vaccines na siyang nakalaan para sa senior citizens.
Samantalang, patuloy naman ang biyahe ng local airlines sa kanilang mga domestic at international flight habang hinihintay ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng pamahalaan sa Metro Manila, Rizal, Bulacan,Cavite at Laguna mula ngayong araw hanggang sa Abril 4.
Kaugnay nito, ipinagbibigay alam ng Philippine Airlines at Cebu Pacific sa mga apektadong pasahero na habaan ang pasensiya at pang-unawa habang sumasailalim ang bansa ng pandemic. FROILAN MORALLOS
497675 250078This plot doesnt reveal itself; it has to be explained. 152973
856257 957394This kind of lovely weblog youve, glad I identified it!?? 867210