1-M KATAO SUMUWAY SA LOCAL ORDINANCE

local ordinance

TAGUIG CITY – AABOT na sa isang milyong pasaway ang lumabag sa mga lokal na ordinansa sa iba’t ibang lungsod sa  Metro Manila.

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), umabot sa isang milyon ang lumabag sa mga lokal na ordinansa sa buong National Capital Region sa loob ng isang taon.

Ang datos ay mula Hunyo 13, 2018 hanggang Hunyo 13, 2019 kung saan nakapagtala ang NCRPO ng kabuuang 1,116,707 na mga lumabag sa local ordinances.

Ang 746,846 nito ay binigyan ng warning; 209,193 ang mga pinagmulta at 160,668 naman ang mga nakasuhan.

Ang mga ipinapatupad na mga local ordinance ay ang pag-inom sa pampublikong lugar, paninigarilyo, ilegal na sugal, walang suot na pang itaas at curfew para sa mga menor de edad.

Pahayag ni NCRPO Director Police Brid­ger General Guillermo ­Eleazar, ito ay alinsunod din sa utos ni Pangulong Duterte na mahigpit na ipatupad ang mga local ordinance sa lahat ng local government units (LGUs) sa buong NCR.

Aniya, dahil dito maiiwasan na magkaroon ng malaking gulo o krimen, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lahat ng lungsod na sakop ng NCR Police.

Comments are closed.