1-METER DISTANCING SA PUBLIC TRANSPORT MANANATILI-DUTERTE

PUBLIC TRANSPORT-2

NAIS ni Pangulong  Rodrigo Duterte na manatili ang 1-meter distance sa mga pasahero  ng pampublikong sasakyan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque araw ng Sabado.

Sinabi ni Roque na nagdesisyon ang Pangulo nitong Biyernes  matapos timbangin ang mga rekomendasyon dito.

“Matapos pong pag-aralan ni Presidente ang rekomendasyon ng parehong panig na nagsasabi na dapat manatili sa 1- meter ang physical distancing sa pampublikong transportasyon at ‘yung mga nagsasabi na pupuwede naman itong pababain basta may face shield, face mask, walang salita… nagdesisyon na po ang Presidente kahapon. Ang desisyon, mananatili po ang 1-meter social distancing sa pampublikong transportasyon,” pahayag ni Roque.

Nitong nakaraang Lunes ay inimplementa ng DOTr ang bawas-social distancing na mula sa 1-meter ay ginawang. 75 meter na lamang upang makapagpasakay pa ng maraming pasahero sa mga tren, bus at jeep, subalit kinontra ito ng marami dahil sa panganib sa mas magkahawahan ng virus.PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.