MAHIGIT sa isang milyong boto ang ibibigay ng Samahang Ilocano kina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at running mate na si Inday Sara Duterte sa darating na halalan sa Mayo 9.
Sa manifesto of support na ipinalabas noong Martes ng Confederation of Ilocano Association, Inc. (Samahang Ilocano), sinabi nila na ipinasiya nilang suportahan ang tambalan nina Bongbong at Sara dahil maliwanag nilang nailalatag ang mga programa nilang maghahatid sa bansa sa kaunlaran at pagkakaisa.
“With view of ascertaining and strengthening the active participation and support of Brother and Honorable International Adviser Ferdinand R. Marcos, Jr., popularly known as Bongbong Marcos and his running-mate Madam Lawyer Sara Duterte Carpio, as well as in support to their common national development platform, and advocacy for federalism mode of governance and development for the Philippine Republic do hereby state,” panimula ng kanilang manifesto
“Whereas, in this light, the Confederation of Ilocano Association Inc., known as Samahang Ilocano, stood in unison and support to its leaders as spokespersons of the first political endorsement of his (Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.) of his national platform via federalism in the first convention held for this purpose,” dagdag pa nila.
Anila, kumpara sa lahat ng kandidato ngayon, ang tambalang BBM-Sara ang may malinaw na plataporma para sa adbokasiya nila sa pagsusulong ng federal form of government, bukod pa sa katotohanang ang pamilya Marcos ang tunay na may naiwang legasiya at nagawang kabutihan sa bansa.
Inisa-isa rin nila ang mga pinakamalalaking proyekto noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na anila ay nagging dahilan para sa mas mabilis na pag-unlad ng bansa.
Ayon kay Thomas Torralba, national at international president ng Samahang Ilocano, ang kanilang suporta kay Marcos ay hindi dahil sa kababayan nila ito, kundi naniniwala sila sa kakayahan, galing, talino, sinseridad para pamunuan ni BBM ang bansa.
Dahil dito, tiniyak ni Torralba na ibubuhos ng Samahang Ilocano ang hindi bababa sa isang milyong boto sa tambalan nina Bongbong at Sara.
Ang Samahang Ilocano na itinatag noong 1940s ay isa sa pinakamalaking fraternity sa bansa na may mahigit na isang milyon na card-carrying na mga miyembro at isa sa mga naging kasapi nito ay si dating Pangulong Marcos.
“Hindi lang buong Samahang Ilocano ang boboto kina BBM-Sara kundi pati na rin ang kanilang pamilya at kamag-anak,” sabi naman ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) secretary general (ret. Gen.) Thomson Lantion.